Putok sa Pilipinas ang “un-meat” — burger na gawa sa gulay. Lasang karne pero walang cholesterol at uric acid. Bagay sa kabataan ngayon na masyadong abala sa kalusugan, at sa matatandang sakitin. Sa mundo ngayon bilyong dolyar na industriya na ang “non-meat meat” o dating tinawag na “vege-meat”, vegetable na karne. Pati steak ay gulay na.
Nauso rin sandali ang paggamit ng bulati (earthworm) na burger. Pero bagama’t masarap ay hindi nag-click dahil sa pandidiri ng tao at kapos sa supply ng bulati. Sa China pinapauso ngayon ang karne na gawa sa ipis (ginagamit din sa pabango) pero asiwa ang madla. Sa Pampanga kinakain ang balang (locust) at camaru (cricket) — masarap!
Sinaunang panahon pa sina-substitute ang gulay sa karne at gatas. Mahilig ang Chinese sa keso, pero nu’ng mapeste ang mga baka at kambing ay ipinalit ang soya sa gatas — ang “soy cheese” o tofu. Kumalat ito sa Europe bilang pamalit ng mga Kristiyano na nag-aayuno sa karne.
Mula sa bank robbery ay leksiyon sa negosyo
Sa America halos isang daang taon nang nagbebenta ng un-meat. Soya milk ang gatas ng mga sanggol na allergic sa breastmilk. Maraming vegetarian restaurants na pinalalasang inihaw o sinabawang karne ang ulam para sa mga bagitong nag-didiyeta.
Sa Hualien, malapit sa headquarters ng Tzu Chi movement sa Taiwan, may vegetarian fastfood na mahigit 180 ang nakahandang putahe sa mahahabang estante. Para ‘yon sa maraming Buddhists na residente doon. Nagpaka-bondat ako sa 12 klase ng mushrooms. Sinasabing hindi raw kumakain si Gautama Buddha noon ng karne — maliban kung limos sa kanya. Paniwala niya na lahat ng hayop o tao ay may kaluluwa, at maaring ma-reincarnate ang hayop bilang tao.
Lahat kaming manginginom ay purong vegetarian lang ang tinutungga. Galing sa halaman ang beer, wine, gin, vodka, whisky, rum.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).