Mula sa bank robbery ay leksiyon sa negosyo
Pinaka-nakakakilabot sa tao ang tapik ng hindi alam kung ano o sino, ani Elias Canetti sa 1960 librong “Crowds and Power”. Para maigpawan ang kilabot at dahil sa pagka-mausisa, instinct sa tao na lalong dumidikit sa anumang kinatatakutan. ‘Yan marahil ang dahilan kaya ineenkuwentro ng tao nang malapitan ang mga ‘di-maunawaan pero kamangha-manghang unidentified flying objects (UFO).
Sa pag-aral ng UFOs sinusuri ang mga enkwentrong ‘di lalayo ng 500 piye o 150 metro. Kasi mas malamang na hindi malikmata o guni-guni. Sa 1972 librong “The UFO Experience: A Scientific Experience”, kinategorya ni astronomer J. Allen Hynek sa anim ang mga enkuwentro:
• Nocturnal Lights – mga ilaw sa himpapawid sa gabi;
• Daylight Discs – mga mala-plato o pipa sa araw;
• Radar Visual – natala ng radar ang hugis, bilis, direksiyon;
Mula sa bank robbery ay leksiyon sa negosyo
Napatunayang maari ngang magpadala ng ilaw at radio signals sa outer space. Ito nga ang paraan para makausap ang mga astronauts at satellites. Hindi totoo na kitang-kita mula sa space ship ang Great Wall ng China. Pero kita ang malalaking dagat, ang North Korea na isang madilim na blanko lang sa pagitan ng maliwanag na China at South Korea, at ang mausok sa polusyong Netherlands. Sa ganu’ng katalas na telescopes at radio waves sinisikap ng astronomers makipag-usap.
Marami rin silang nasasagap na iba’t ibang tunog, liwanag, at pahiwatig. Pinakamataas na anyo, anila, ang musika.
(Sa Biyernes: Nais mo bang magpadala ng musika sa outer space?)