Image from Philippine News Agency
Mula sa bank robbery ay leksiyon sa negosyo
Agosto pa may nagpapakana ng No-Election (No-El) sa Mayo. Mga ganid sa kapangyarihan, nais nilang manatili sa puwesto. Hindi pa nabubusog sa rami ng kinurakot sa kaban ng bayan. Palusot nila para mag-No-El ang pandemya at patayan. Ginugulo nila ang paghahanda ng Comelec. Labag ito sa Konstitusyon. Maliban sa 12 senador na hinalal nu’ng 2019 kaya hanggang 2025 ang termino, lahat nang iba — president, vice president, mambabatas at lokal na opisyales ay dapat bumaba sa Hunyo 30.
Uudlutin nina Senador Ping Lacson at Tito Sotto ang pakanang No-El. Kapag tangkain ito, magpapahirang si Senate President Sotto sa 24-miyembro ng Senado ng bagong SP — mula sa hanay ng 12 matitirang senador. Ang SP na ito ay magiging interim leader ng bansa — hanggang makahalal ng bagong presidente. Segun ito sa Konstitusyon.
Hindi basta mapapalitan ng Senado ang SP na interim leader. Ayon sa Konstitusyon, 13-pataas ng 24 na senador ang boboto. Dahil 12 lang ang matitira sa kanila makalipas ang Hunyo 30, hindi sila makaka-quorum. Mananatili ang pinili ng 24 bago mag-No-El. Walang vested interest sina Lacson at Sotto sa plano: pati sila kasi bababa sa Hunyo 30.
Dapat matatag, independent at mapagkakatiwalaan ang interim leader. Mamandohan ang AFP at PNP para sa kaayusan. Papalitan niya ang magulo sa lumang Cabinet kung kailangan. Magpupuwesto siya ng panandaliang lokal na opisyales. Kukunin ang suporta ng Korte Suprema. At pahihinahunin niya ang mamamayan.
Ani Sotto, dalawa sa mga ito ang kayang mag-interim leader: Sonny Angara, Nancy Binay, Pia Cayetano, Bato dela Rosa, Bong Go, Lito Lapid, Imee Marcos, Koko Pimentel, Grace Poe, Bong Revilla, Francis Tolentino at Cynthia Villar. Hindi nagprisinta kay Sotto ang dalawang napupusuan; tiyak siyang malinis at makabayan sila.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).
