stock image
Mula sa bank robbery ay leksiyon sa negosyo
Dahil paretiro na ang matandang doktor ng baryo, ipinasyal niya ang batang hahalili sa bahay ng mga pasyente para ipakilala. Pagdating nila kay biyudang si Aling Lily agad itong umangal sa matandang doktor na parating matigas ang tiyan niya. “Bawas-bawasan mo lang ang saging,” payo sa kanya. “At uminom ng tubig, huwag puro juice na maasukal.” Namangha ang batang doktor at paglabas ng pinto inusisa niya ang kasama kung paano natiyak ang lunas. “Simple lang,” anang beterano. “Napansin mo na kunwari nabitawan ko ang stethoscope ko. Habang pinupulot ko sa sahig, nasilip ko sa basurahan niya ang balat ng limang saging at dalawang basyong bote ng juice. ‘Yon ang problema.”
Napahanga ang bata sa estilo, at sinabing gagayahin niya ‘yon sa susunod na pasyente. Sa sumunod na bahay umangal si Aling Remy na palaging hapo ang pakiramdam niya. Sagot ng batang doktor, “Bawasan n’yo lang ang aktibidades sa simbahan para makapahinga kayo.”
Mula sa bank robbery ay leksiyon sa negosyo
Ang matanda naman ang namangha sa bata, kaya nag-usisa tungkol sa payo. Sagot ng huli: “Tulad n’yo, kunwari ay nalaglag ang stethoscope ko. Nang aking pulutin, nasilip ko ang pari sa ilalim ng kama.”
* * *
Napunta sa impiyerno ang namatay na Engineer. Agad nagdisenyo siya ru’n ng pasilidad para maibsan ang hirap. Hindi nagtagal, nagkaroon sa impiyerno ng air conditioning, mga inidoro na de-flush at escalators. Sumikat doon ang Engineer.
Napatawag si San Pedro para mangumusta. Ibinida ni Satanas ang maraming bagong ginhawa na ginawa ng Engineer. Nagulat si San Pedro na nasa impiyerno ang namatay. “Mali ‘yan,” aniya, “Alam mo naman na lahat ng Engineers ay diretso sa langit, kaya paakyatin mo siya agad dito.” Ayaw ni Satanas at iginiit na sa kanya si Engineer. Nakiusap muli si San Pedro pero nagmatigas si Satanas. Nag-ultimatum si San Pedro, “Ilipat mo ang Engineer sa langit; kung hindi’y maghahabla ako.”
“Weh,” nanuya si Satanas. “At saan ka kukuha ng abogado?”
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).