Mula sa bank robbery ay leksiyon sa negosyo
Bahagi ang middlemen ng supply chain: mamamakyaw, magkakatay, magbabalahibo, biyahero. Walang kakayahang magproseso o oras magdala ang producer direkta sa tindera sa palengke. Nitong nakaraang dalawang taon ilang beses napilitang magtapon na lang ng ani ang mga maggugulay at magpuprutas sa Cordilleras, Gitnang Luzon, at Southern Tagalog. Wala kasing namakyaw o tagabiyahe.
Pangmatagalan at pangkalahatan dapat ang solusyon. Suportahan sana ng pambansang pamahalaan ang producers. Kailangan nila ng murang pataba, pestisidyo, pakain, bodega, at freezers. Sa lokal, dagdagan ang bagsakan ng ani at direktang tindahan sa barangay.
Mula sa bank robbery ay leksiyon sa negosyo
Kapag bumagyo tulungan agad makabangon ang mga napinsalang magtatanim. Ipatupad ang crop insurance.
Kapag may peste bilhin sa magmamanok o magbababoy ang mga impektadong alaga para ibaon. Sa gay’on mapupuksa agad ang peste.
Ihinto ang smuggling. Ipatupad ang 40% taripa sa mga angkat na pork, manok, isda, gulay, prutas, bigas, mais, at asukal. Gamitin ang kikitain du’n ng gobyerno sa pagbayad sa napesteng maghahayop o nabagyong magtatanim.
Tuwing nagpupuslit o umaangkat ng pagkain, nasasaktan ang producers. Matutuwa panandalian ang mamimili sa kamurahan. Pero kinalaunan magmamahal din ‘yon, kung hindi mag-export ang ibang bansa at nawalan na ng gana mamuhunan ang lokal na producers.
Nu’ng 2020 papayagan sana ng Bureau of Animal Industry ang pag-angkat ng tilapia mula China. Napigilan lang nang umangal ang producers na sapat naman ang supply nila sa Pampanga at Taal Lake. Sa halip pinayagan naman ang pag-angkat ng pork at manok.