Nu’ng dekada-1990 naglista ang Department of Health ng 10 halamang gamot na madaling palakihin o palaguin sa munting hardin. Hindi bago ang listahan. Nilathala na ‘yon ng mga mananaliksik noong Panahon ng Kastila. Napulot nila ang kaalaman sa mga katutubong Pilipino. Ito ang mga halaman:
(1) Akapulko – panglanggas ng ringworm at fungal infection;
(2) Ampalaya – luto, buro o tsaa, pangontra sa diabetes;
(3) Bawang – bawas cholesterol sa dugo, mabuting blood pressure;
(4) Bayabas – dahon o bunga, panlinis ng sugat, bango ng hininga;
(5) Lagundi – lunas sa ubo at asthma;
(6) Niyog-niyogan – tinuyong buto, pamatay ng intestinal worms;
(7) Sambong – diuretic para maihi at maiwasan ang kidney stones;
(8) Tsaang Gubat – pinakuluang dahon, panlinis ng bituka;
Mula sa bank robbery ay leksiyon sa negosyo
(9) Ulasimang Bato – (Pansit-pansitan) laban sa arthritis at gout; at
(10) Yerba Buena – (Peppermint) para sa sakit ng ulo o katawan.
Konsultahin ang doktor. Maaring kainin nang hilaw ang ilan dito. Ang iba dapat patuyuin bago kainin, o pakuluan at inumin ilang beses kada araw. Alamin sa doktor kung gaano katagal.
Kung may puwang pa sa hardin, maski sa bintana lang, idagdag:
l Dandelion – panlinis ng lamanloob at pangontra sa blood sugar;
l Rosemary, Thyme, Basil – mainam din sa dugo; at
l Celery – anti-inflammation, kontra impeksiyon.
Mga puno na mainam itanim:
l Banaba – panlinis ng sugat, para sa sakit ng tiyan;
l Kakawate (Madre de Cacao) – para sa galis ng alagang aso; at
l Buko – panalo sa lahat, diuretic, panlinis ng tiyan at bituka. Kung marunong, makakatas ang coco-nectar para panamis; mainam pamalit sa asukal na nakaka-diabetes. Pangontra sa virus ang virgin coconut oil.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).
