Mula sa bank robbery ay leksiyon sa negosyo
Malaking sakuna talaga itong COVID-19.
Malalim ang sugat sa lipunan ng pandemya. Apat na milyon ang out-of school youth. Karamiha’y mga estudyante sa pribadong paaralan na kinapos ang pang-tuition, ani Sen. Sonny Angara. At karamihan ay grade school. Ibig sabihin kailangan pang matuto ng basic Math, Science at Reading para makapaghanapbuhay sa wastong edad. Baka nga tuluyan na silang mawalan ng interes sa pag-aaral, nag-aalala si Angara na chairman ng Senate committee on education. Wala silang iaasenso.
Mula sa bank robbery ay leksiyon sa negosyo
Nalusaw ang puhunan ng maraming entrepreneurs. Malaking halaga ang nilaan ng gobyerno para makabangon sila. Pero sa papel lang ‘yon. Sa totoo kapos ang koleksiyon ng buwis dahil nga lagapak ang ekonomiya. Hirap ding umutang ang gobyerno dahil sa pangmatagalang epekto nu’n. Mga apo ng apo natin ang magbabayad ng uutangin natin.
Hindi na maibabalik ang mga pinatay ng COVID-19. Maaring permanente at seryoso ang epekto sa katawan ng daan-daang libong gumaling mula impeksiyon, anang mga doktor. Dapat alalayan sila.
Maraming nabuntis nang murang edad, wala pang 16, anang Population Commission. Habambuhay dadalhin ng mga teenage mothers ang maselang epekto nito sa kalusugan, isip at kabuhayan nila.
