Mula sa bank robbery ay leksiyon sa negosyo
NANGUNGUNA si dating Chinese presidential adviser Michael Yang sa mga ipinahahabla ng Senate Blue-Ribbon Committee dahil sa Pharmally scam. Ganundin sina Lloyd Christopher Lao at Warren Rex Liong, mga dating hepe ng Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM). Damay si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque sa pagwaldas ng P42 bilyon.
Si Yang ang guarantor ng Pharmally, na kapos sa kapital at itinatag ng Taiwanese fugitive na si Huang Tzu Yen. Sina Lao at Liong ang nagbayad du’n ng P12 bilyon para sa mamahaling luma at depektibong COVID test kits, face masks, shields at protective gear. Bahagi ang pera sa P42 bilyon ng DOH — budget kontra pandemya.
Dahil appointees niya sina Yang, Lao, Liong at Duque, sinangkot din ng BRC si President Rody Duterte sa katiwalian. Mga detalye:
Mula sa bank robbery ay leksiyon sa negosyo
• Nagpayaman ang dayuhang Yang sa pagpakilala ng Pharmally at iba pang Chinese suppliers sa gobyerno.
• Pinaboran ang Pharmally at iba pang Chinese traders imbis na Filipino manufacturers sa pagbili ng pandemic supplies.
• Binantaan at siniraan ang Commission on Audit dahil ginawa nito ang tungkuling sawayin ang kawaldasan ng DOH at PS-DBM.
• Siniraan din ang Senado, kapantay na sangay ng gobyerno, at mga senador na nag-imbestiga ng anomalya — bahagi ng pambabatas.
• Pagbawal sa pagdalo sa Senate hearings ng mga miyembro ng Gabinete at iba pang opisyales ng Ehekutibo.
• Hindi pinapanagot ang kanyang appointees, taliwas sa apela ng taumbayan at Senado na lutasin ang pandarambong.
Nagtaksil umano si Duterte sa tiwala ng publiko kaya maaring i-impeach, litisin at tanggalin sang-ayon sa Konstitusyon. Pero hindi gagawin ‘yan ng Kongreso na kontrolado niya. Kaya panukala ng BRC na kasuhan siya pagkatapos ng termino niya. Pang-apat na presidente na si Duterte na bababang may dungis ang pangalan.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).