Select Page
Pribadong karera sa buwan

Pribadong karera sa buwan

stock image

DATI-RATI mayayamang gobyerno lang ang nakakapag-landing ng space craft sa buwan. Ngayon mga pribadong kumpanya na ang nagkakarera patungo du’n.

Tatlo silang nag-uunahan. Pare-parehong walang crew. Isa ang Hakuto-R Mission 1 ng kumpanyang Hapon, iSpace. Disyembre 11 pa ito ni-launch ng Falcon 9 rocket na gawa ng SpaceX ni Elon Musk. Apat na buwan ang biyahe para tipid sa fuel. (Matulin ang Apollo missions ng NASA, ilang araw lang ang lipad, pero magastos sa fuel lalo na para bumagal muna at makapasok sa lunar orbit.)

Lalampas muna ang Hakuto-R nang 1.4 milyong kilometro sa buwan. Tapos, dakong katapusan ng Abril, magpi-free fall ito papasok sa lunar orbit. Mula orbit magdi­diskarga ito ng dalawang maliliit na moon rovers. Isang rover ay kasing-liit ng baseball pero maraming camera. Susuriin ang lupain ng buwan.

 

Baka mauna pa ang dalawang spaceships na paliliparin ngayong Marso. Gagamit din ng Falcon 9 rocket ang Nova-C, proyekto ng bagong kumpanyang Intuitive Machines sa Texas. Anim na araw lang ang biyahe. Didirekta ito sa buwan, wala nang pasikot-sikot, sa paniwalang maiiwasan nu’n ang nakakasirang radiation. Matapos ang ma­ikling orbit, la-landing mismo sa buwan ang Nova-C saka lang maluluwal ng rovers.

Ang Peregrine, tulad ng Nova-C, ay kumopya ng teknolohiyang Morpheus moon landing ng NASA. At pareho silang pinakiusapan na magkarga ng kagamitan ng NASA para sa saliksik. Gawa ng Astrobotic Technology sa Pennsylvania ang Peregrine.

Turismo at pagbiyahe ng kargamento ang pakay ng karera sa buwan. Malalaman sa test flights kung kaya nang magdala roon ng civilians. Nu’ng 2022 nagkarera ang Space X, Virgin Galactic ni Richard Branson at Blue Origin ni Jeff Bezos magpadala ng turista sa Earth orbit.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

Mula sa bank robbery ay leksiyon sa negosyo

Bakit sa atin ang Sabah

Bakit sa atin ang Sabah

image from Wikipedia

Nanalo sa Paris arbitration nu’ng Mar. 2022 ang Sulu Sul­tanate kontra Malaysia. Pinagbabayad ng korte ang Ma­laysia ng $14.92-bilyong upa sa paggamit sa Sabah nang 200 taon. Ayaw tumupad ng Malaysia. Ayaw tumulong ng Marcos admin para makasingil ang Sulu Sultanate.

Dalawa ang habla ng Pilipinas kontra Malaysia. Una ang pagsingil ng Sulu Sultanate ng upa. Ikalawa ang sobe­renya ng Pilipinas sa Sabah. Pitong punto ang nagpanalo sa Sultanate sa Paris. Pinaninindigan ng gobyernong Pilipino ang pitong punto ring ‘yon sa usaping soberenya:

(1) Pag-aari dati ang Sabah ng Sultan ng Brunei. Ibinayad niya ito nu’ng 1704 sa Sultan ng Sulu na tumulong sugpuin ang rebelyon doon.

(2) Sa mga dumaang panahon kinilala ng Britain, Netherlands at Spain ang soberenya ng Sultan ng Sulu sa Sabah sa pakiki-tratado dito.

(3) 1878 ipinaupa ng Sultan ng Sulu kay Austrian Baron de Overbeck ang Sabah ng $1,000 kada taon. Hindi nagtagal, inilipat ni Overbeck ang rights sa Sabah kay British Alfred Dent. Ipinasa naman ni Dent ang rights sa tinatag niyang British North Borneo Company.

 

(4) Kinalaunan inilipat ng BNBC ang rights sa British Crown. July 10, 1946, ika-anim na araw ng kasarinlan ng Pilipinas mula America, inangkin ng British Crown ang soberenya sa North Borneo (Sabah).

(5) Dekada-’60, linahad ng gobyernong Pilipino sa UN ang soberenya sa Sabah. Dahil hindi mga estado, walang poder sina Overbeck at Dent ipasa ang soberenya sa Crown. Wala rin karapatan ang Crown na isali ang Sabah sa Malaysia na pinalaya nu’ng Sep. 16, 1963.

(6) Itinabi ng Pilipinas ang usapin dahil sa gulo sa Mindanao at tulong ng Malaysia sa peace process. Samantala, nagpa-referendum ang Malaysia at mayorya raw ang nais manatili ang Sabah sa Malaysia. Tinuligsa ito ng Pilipinas dahil hindi malayang nakaboto ang Sabahons.

(7) Nakaugat ang pag-aari ng Sulu Sultanate sa Sabah sa lease contract ni Overbeck tapos kina Dent, BNBC, Crown, at Malaysia, na nagbayad ng $1,000 taon-taon. 2013 huminto magbayad ang Malaysia.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

Mula sa bank robbery ay leksiyon sa negosyo

Utak ng ama lumiliit kapag nagkaanak

Utak ng ama lumiliit kapag nagkaanak

Stock image

HINDI kataka-takang lumiliit ang utak ng ina habang nagdadalantao. Kasabay nang maraming pagbabago sa katawan niya sa siyam na buwan ay ang epekto sa utak. Aakalain mo na hindi maaapektuhan ang mga ama, kasi hindi naman sila nabubuntis. Mali. Umuurong din ang utak nila kapag nagkasanggol.

Natuklasan ito ni Dr. Magdalena Martinez-Garcia ng Gregorio Marañon Health Research Institute, Madrid. Ineksperimento niya ang 20 ama sa Spain at 20 sa America na malapit na magka-anak. Control group ang 17 lalake sa Spain na hindi buntis ang misis. Dalawang beses sinukat ang laki ng utak nila, gamit ang magnetic-resonance imaging (MRI) scan, isang taon ang pagitan. ‘Yong unang 40 ama ay dumaan sa MRI bago at pagkatapos ng panganganak, ulat ng The Economist.

Sinukat sa scans ang laki at kapal ng cerebral cortex, parte ng utak para makakita, makarinig, makaamoy, makalasa, makaramdam, makasalita at makaintindi. Kinumpara ‘yon sa sub-cortex, kasama ang hippocampus na para sa pang matagalang memorya at amygdala na pangkalma ng pangamba.

 

Napansin na, bagamat maliit lang, umurong nga ang utak ng mga bagong ama matapos ng pagsilang. Iba-iba ang iliniit ng mga bahagi ng utak. Pinakalumiit ang likod ng cortex na pam-proseso ng impormasyon sa nakikita. Kasunod ang parte na pangmuni-muni, paglipad ng utak at pag-isip sa sarili. Linathala ito sa Cerebral Cortex journal.

Bakit kaya lumiliit ang utak ng ama? Hula ko lang ito. Nagbubulag-bulagan siguro sila sa tumutulong laway ng sanggol. Nagmamaang-maangan sa baho ng pupu. Nagbibingi-bingihan sa iyak. Nag-aantok-antukan para hindi bumangon sa hatinggabi para magpadede. E ‘yong bunton pa ng labahing lampin at bib.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

Mula sa bank robbery ay leksiyon sa negosyo

Kakulangan ng tubig, krisis sa kalusugan

Kakulangan ng tubig, krisis sa kalusugan

image from PNA

MAS tumitindi ang bagyo sa Pilipinas. Pero kulang sa inu­ming tubig. Walang koneksyong-tubig ang mga maralitang taga-lungsod. At lalong walang tubo ang mga layu-layong bahay sa kanayunan. Umiigib pa sa malayong poso o balon ang mga ina at bata. Naaabala ang pag-alaga sa anak; nagu­gulo ang pag-aaral at paglalaro.

Sakit ang idinudulot ng maruming tubig. Isang bata sa mundo ang namamatay kada dalawang minuto dahil dito. Bukod pa ang dengue at malaria na dala ng mga lamok mula sa pusali at tubig-tigang.

Nasa batas na dapat maghukay ng water impoundment sa pinaka-mabababang lugar ng bawat barangay. Gamit ang bagong teknolohiya, mapi-filter ang naipong tubig para panlinis man lang. Tungkulin ng gobyerno na kabitan ng tubo bawat bahay, tindahan at opisina. Kaya nga may Metro­politan Waterworks and Sewerage System at Local Water Utilities Administration. Dapat protektahan ng Department of Environment and Natural Resources at mga lokal na gobyerno ang watersheds.

Kasing halaga ng inuming tubig ang tubig pangkubeta. Tularan sana ng gobyerno ang ginawa sa India. Isang dekada noon namahagi ang pamunuan ng India ng inidoro sa bawat bahay. Itinuro sa mga ina ng tahanan kung saan ito ikakabit, gaano kalaki at kalalim ang imburnal, at kalapit na gripo. Bakit ang ina? Siya kasi ang nag-aasikaso sa kalusugan ng tahanan, kasama ang pagkain, tubig at gamot.

Nasugpo ng India ang mga sakit na dysentery at cholera­. Napasigla ang mga bata (kasabay ng pamumudmod ng gatas). Napahaba ang buhay ng mamamayan.

Taon 1902 pa sinabi na ng Philippine Commission ni Governor General Howard Taft na kapos sa inuming tubig at pangkubeta. Panahon nang lutasin ang krisis.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

Mula sa bank robbery ay leksiyon sa negosyo

Namnamin natin ang 10 sipi na ito

Namnamin natin ang 10 sipi na ito

image from iStock

Pinag-isip ako ng 10 mga pangungusap na ito online. Hindi ko alam kung sino ang umakda. Namnamin natin:

(1) Ang dasal ay hindi spare tire na nilalabas kung may trobol, kundi manibela sa paggiya ng tamang landas sa buhay.

(2) Bakit napakalaki ng windshield ng kotse pero napakaliit ng rear-view mirror? Kasi ang ating nakalipas ay hindi kasing halaga ng ating hinaharap.

(3) Parang pagkakaibigan ang libro. Ilang sandali lang para sunugin, pero taon para sulatin.

(4) Panandalian lang lahat sa buhay. Namnamin kung maganda ang takbo, kasi hindi ‘yon magtatagal. Kung bagyuhin, ‘wag maghinagpis, lilipas din ‘yon.

(5) Ginto ang mga matagal nang kaibigan, diamante ang mga bago. Kapag nagka-diamante, huwag kalimutan ang ginto. Parating kailangan ng gintong setting ang diamante.

(6) Kalimitan kapag tayo’y naguguluhan at akala ay katapusan na, bumubulong ang Diyos, “ituloy mo lang, liko lang ito.”

(7) Kapag nilutas ng Diyos ang iyong mga suliranin, may tiwala ka sa Kanyang kakayahan. Kapag hindi Niya nilutas ang iyong suliranin, may tiwala Siya sa kakayahan mo.

(8) Inusisa ng bulag ang Diyos: “May lalala pa ba sa pagkawala ng paningin?” Sinagot siya: “oo, kung mawalan ka ng pananaw.”

(9) Kapag pinagdasal mo ang iba, nakikinig ang Diyos at binabasbasan sila; at tandaan na kung ikaw ay ligtas at magin­hawa, ‘yon ay dahil ipinagdasal ka ng iba.

(10) Hindi naaalis ng pag-aalala ang mga suliranin sa bukas, inaalis nu’n ang katiwasayan ng ngayon.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

Mula sa bank robbery ay leksiyon sa negosyo

China singilin sa COVID-19

China singilin sa COVID-19

image from PNA

 NILABAG ng China ang mga batas pandaigdig kontra infec­tious diseases, pagkalakal ng endangered species, atbp. Kaya nagka-SARS-CoV-2. Milyun-milyon ang pinatay ng CO­VID-19, marami pang naospital at nagkapangmatagalang sakit, nawasak ang mga ekonomiya, naantala ang edukasyon, at nagulo ang mga lipunan. Singilin lahat ito sa nag­haharing Chinese Communist Party. Ito ang mga dahilan at ebidensiya:

(1) Binalewala ng CCP ang panawagan ng mundo na ihinto ang $79 bilyon kada taong wildlife trade, tulad ng pa­niki at pangolin na sanhi ng 2003 SARS-CoV-1. (2) Pinag­takpan ng CCP nu’ng Nov. 2019 ang pagsibol ng virus sa Wuhan; inaresto at pinatahimik ang mga doktor na unang nag-ulat. (3) Hinayaang bumiyahe ang 5 milyong taga-Wuhan at Hubei sa China at mundo kaya nag-pandemic; ang una at ikatlong kaso sa Pilipinas ay turistang Wuhanese. (4) Sinara ng CCP ang Shanghai lab na nag-genome sequencing sa virus; dinakila lang nu’ng huli ang mga eks­perto roon para propaganda.

(5) Minalisya ng CCP na U.S. Army kuno ang nagdala ng virus sa Wuhan. (6) Pinahinto ang Australian exports ng wine, tupa, at dairy dahil nagpanukala ito na alamin ng United Nations kung bakit nagka-virus. (7) Nang inako sa wakas ng CCP na may virus nga, kinamkam nito ang mga gamot pang-impeksiyon. (8) Binraso ang mahihinang bansa kapalit ng ayudang pandemic; ehemplo, ipinasibak sa Czech Republic ang ministrong nagsiwalat ng CCP cyber-spying sa Europe bago sila padalhan ng face masks at ven­tilators.

(9) Una inantala tapos niloko-loko ang World Health Organization investigators na lumipad sa Wuhan. (10) Ki­norap ang mga dayuhang gobyerno para bilhin ang mga walang kuwentang bakunang Sinovac, Sinopharm at Can­Sino. Hanggang ngayon hindi pa umaamin kung mag­kano ang bili ng National Task Force Against COVID-19 ng Pili­pinas. (11) Sinamantala ang pagkaabala ng mundo sa pan­­demic para mang-agaw ng teritoryo; inokupa ang Sandy Cay at Julian Felipe Reef natin. (12) Ikinatuwiran ang pan­demic para supilin ang protesta sa Tibet, Xinjiang, Inner Mongolia­, Szechuan, Hennan, Hong Kong; pinaghahan­daan pa nga­yon salakayin ang Taiwan.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

Mula sa bank robbery ay leksiyon sa negosyo

Site Terms & Conditions (scroll down for the buttons)

This site, jariusbondoc.com, is free for your use.

However, we do have some terms and conditions which you can find below. By continuing to use or to read from this site, that means you understand and agree to comply with the terms and conditions.

I. PRIVACY POLICY

This privacy policy (“policy”) will help you understand how jariusbondoc.com uses and protects the data you provide to us when you visit and use https://jariusbondoc.com/ (“website”, “service”).

We reserve the right to change this policy at any given time. If you want to make sure that you are up to date with the latest changes, we advise you to frequently visit this page.

 

What User Data We Collect

When you visit the website, we may collect the following data:

  • Your IP address
  • Your contact information and email address
  • Other information such as interests and preferences
  • Data profile regarding your online behavior on our website

 

Why We Collect Your Data

We are collecting your data for several reasons:

  • To better understand your needs
  • To improve our services and products
  • To send you promotional emails containing the information we think you will find interesting
  • To contact you to fill out surveys and participate in other types of market research
  • To customize our website according to your online behavior and personal preferences

 

Safeguarding and Securing the Data

jariusbondoc.com is committed to securing your data and keeping it confidential. jariusbondoc.com has done all in its power to prevent data theft, unauthorized access, and disclosure by implementing the latest technologies and software, which help us safeguard all the information we collect online.

 

Our Cookie Policy

Once you agree to allow our website to use cookies, you also agree to use the data it collects regarding your online behavior (analyze web traffic, web pages you spend the most time on, and websites you visit).

The data we collect by using cookies is used to customize our website to your needs. After we use the data for statistical analysis, the data is completely removed from our systems.

Please note that cookies don’t allow us to gain control of your computer in any way. They are strictly used to monitor which pages you find useful and which you do not so that we can provide a better experience for you.

If you want to disable cookies, you can do it by accessing the settings of your internet browser.

 

Links to Other Websites

Our website contains links that lead to other websites. If you click on these links jariusbondoc.com is not held responsible for your data and privacy protection. Visiting those websites is not governed by this privacy policy agreement. Make sure to read the privacy policy documentation of the website you go to from our website.

 

Restricting the Collection of your Personal Data

At some point, you might wish to restrict the use and collection of your personal data. You can achieve this by doing the following:

 

  • When you are filling the forms on the website, make sure to check if there is a box which you can leave unchecked, if you don’t want to disclose your personal information.
  • If you have already agreed to share your information with us, feel free to contact us via email and we will be more than happy to change this for you.

 

jariusbondoc.com will not lease, sell or distribute your personal information to any third parties, unless we have your permission. We might do so if the law forces us. Your personal information will be used when we need to send you promotional materials if you agree to this privacy policy.

 

II. COPYRIGHT NOTICE

All materials contained on this site are protected by the Republic of the Phlippines copyright law and may not be reproduced, distributed, transmitted, displayed, published or broadcast without the prior written permission of jariusbondoc.com or in the case of third party materials, the owner of that content. You may not alter or remove any trademark, copyright or other notice from copies of the content.

However, you may download material from jariusbondoc.com on the Web (one machine readable copy and one print copy per page) for your personal, noncommercial use only.

If you wish to use jariusbondoc.com content for commercial purposes, such as for content syndication etc., please contact us at jariusbondoconline@gmail.com.

Links to Websites other than those owned by jariusbondoc.com are offered as a service to readers. The editorial staff of jariusbondoc.com was not involved in their production and is not responsible for their content.

 

III. TERMS OF SERVICE

 

  1. GENERAL RULES AND DEFINITIONS

 

1.1 If you choose to use the jariusbondoc.com service (the “Service”), you will be agreeing to abide by all of the terms and conditions of this Agreement between you and jariusbondoc.com (“jariusbondoc.com “).

 

1.2 jariusbondoc.com may change, add or remove portions of this Agreement at any time, but if it does so, it will post such changes on the Service, or send them to you via e-mail. It is your responsibility to review this Agreement prior to each use of the Site and by continuing to use this Site, you agree to any changes.

 

1.3 If any of these rules or any future changes are unacceptable to you, you may cancel your membership by sending e-mail to jariusbondoconline.com (see section 10.1 regarding termination of service). Your continued use of the service now, or following the posting of notice of any changes in these operating rules, will indicate acceptance by you of such rules, changes, or modifications.

 

1.4 jariusbondoc.com may change, suspend or discontinue any aspect of the Service at any time, including the availability of any Service feature, database, or content. jariusbondoc.com may also impose limits on certain features and services or restrict your access to parts or all of the Service without notice or liability.

 

  1. JARIUSBONDOC.COM CONTENT AND MEMBER SUBMISSIONS

 

2.1 The contents of the jariusbondoc.com are intended for your personal, noncommercial use. All materials published on jariusbondoc.com (including, but not limited to news articles, photographs, images, illustrations, audio clips and video clips, also known as the “Content”) are protected by copyright, and owned or controlled by jariusbondoc.com or the party credited as the provider of the Content. You shall abide by all additional copyright notices, information, or restrictions contained in any Content accessed through the Service.

 

2.2 The Service and its Contents are protected by copyright pursuant to the Republic of the Philippines and international copyright laws. You may not modify, publish, transmit, participate in the transfer or sale of, reproduce (except as provided in Section 2.3 of this Agreement), create new works from, distribute, perform, display, or in any way exploit, any of the Content or the Service (including software) in whole or in part.

 

2.3 You may download or copy the Content and other downloadable items displayed on the Service for personal use only, provided that you maintain all copyright and other notices contained therein. Copying or storing of any Content for other than personal use is expressly prohibited without prior written permission from jariusbondoc.com or the copyright holder identified in the copyright notice contained in the Content.

 

  1. FORUMS, DISCUSSIONS AND USER GENERATED CONTENT

 

3.1 You shall not upload to, or distribute or otherwise publish on the message boards (the “Feedback Section”) any libelous, defamatory, obscene, pornographic, abusive, or otherwise illegal material.

 

3.2 (a)Be courteous. You agree that you will not threaten or verbally abuse jariusbondoc.com columnists and other jariusbondoc.com community Members, use defamatory language, or deliberately disrupt discussions with repetitive messages, meaningless messages or “spam.”

 

3.2 (b) Use respectful language. Like any community, the Feedback Sections will flourish only when our Members feel welcome and safe. You agree not to use language that abuses or discriminates on the basis of race, religion, nationality, gender, sexual preference, age, region, disability, etc. Hate speech of any kind is grounds for immediate and permanent suspension of access to all or part of the Service.

 

3.2 (c) Debate, but don’t attack. In a community full of opinions and preferences, people always disagree. jariusbondoc.com encourages active discussions and welcomes heated debate in our Feedback Sections. But personal attacks are a direct violation of this Agreement and are grounds for immediate and permanent suspension of access to all or part of the Service.

 

3.3 The Feedback Sections shall be used only in a noncommercial manner. You shall not, without the express approval of jariusbondoc.com, distribute or otherwise publish any material containing any solicitation of funds, advertising or solicitation for goods or services.

 

3.4 You are solely responsible for the content of your messages. However, while jariusbondoc.com does not and cannot review every message posted by you on the Forums and is not responsible for the content of these messages, jariusbondoc.com reserves the right to delete, move, or edit messages that it, in its sole discretion, deems abusive, defamatory, obscene, in violation of copyright or trademark laws, or otherwise unacceptable.

 

3.5 You acknowledge that any submissions you make to the Service (i.e., user-generated content including but not limited to: text, video, audio and photographs) (each, a “Submission”) may be edited, removed, modified, published, transmitted, and displayed by jariusbondoc.com and you waive any moral rights you may have in having the material altered or changed in a manner not agreeable to you. You grant jariusbondoc.com a perpetual, nonexclusive, world-wide, royalty free, sub-licensable license to the Submissions, which includes without limitation the right for jariusbondoc.com or any third party it designates, to use, copy, transmit, excerpt, publish, distribute, publicly display, publicly perform, create derivative works of, host, index, cache, tag, encode, modify and adapt (including without limitation the right to adapt to streaming, downloading, broadcast, mobile, digital, thumbnail, scanning or other technologies) in any form or media now known or hereinafter developed, any Submission posted by you on or to jariusbondoc.com or any other website owned by it, including any Submission posted on jariusbondoc.com through a third party.

 

3.6 By submitting an entry to jariusbondoc.com’s Readers’ Corner, you are consenting to its display on the site and for related online and offline promotional uses.

 

  1. ACCESS AND AVAILABILITY OF SERVICE AND LINKS

 

4.1 jariusbondoc.com contains links to other related World Wide Web Internet sites, resources, and sponsors of jariusbondoc.com. Since jariusbondoc.com is not responsible for the availability of these outside resources, or their contents, you should direct any concerns regarding any external link to the site administrator or Webmaster of such site.

 

  1. REPRESENTATIONS AND WARRANTIES

 

5.1 You represent, warrant and covenant (a) that no materials of any kind submitted through your account will (i) violate, plagiarize, or infringe upon the rights of any third party, including copyright, trademark, privacy or other personal or proprietary rights; or (ii) contain libelous or otherwise unlawful material; and (b) that you are at least thirteen years old. You hereby indemnify, defend and hold harmless jariusbondoc.com, and all officers, directors, owners, agents, information providers, affiliates, licensors and licensees (collectively, the “Indemnified Parties”) from and against any and all liability and costs, including, without limitation, reasonable attorneys’ fees, incurred by the Indemnified Parties in connection with any claim arising out of any breach by you or any user of your account of this Agreement or the foregoing representations, warranties and covenants. You shall cooperate as fully as reasonably required in the defense of any such claim. jariusbondoc.com reserves the right, at its own expense, to assume the exclusive defense and control of any matter subject to indemnification by you.

 

5.2 jariusbondoc.com does not represent or endorse the accuracy or reliability of any advice, opinion, statement, or other information displayed, uploaded, or distributed through the Service by any user, information provider or any other person or entity. You acknowledge that any reliance upon any such opinion, advice, statement, memorandum, or information shall be at your sole risk. THE SERVICE AND ALL DOWNLOADABLE SOFTWARE ARE DISTRIBUTED ON AN “AS IS” BASIS WITHOUT WARRANTIES OF ANY KIND, EITHER EXPRESS OR IMPLIED, INCLUDING, WITHOUT LIMITATION, WARRANTIES OF TITLE OR IMPLIED WARRANTIES OF MERCHANTABILITY OR FITNESS FOR A PARTICULAR PURPOSE. YOU HEREBY ACKNOWLEDGE THAT USE OF THE SERVICE IS AT YOUR SOLE RISK.

 

  1. COMMUNICATIONS BETWEEN JARIUSBONDOC.COM AND MEMBERS

 

6.1 If you indicate on your registration form that you want to receive such information, jariusbondoc.com, its owners and assigns, will allow certain third party vendors to provide you with information about products and services.

 

6.2 jariusbondoc.com reserves the right to send electronic mail to you for the purpose of informing you of changes or additions to the Service.

 

6.3 jariusbondoc.com reserves the right to disclose information about your usage and demographics, provided that it will not reveal your personal identity in connection with the disclosure of such information. Advertisers and/or Licensees on our Web site may collect and share information about you only if you indicate your acceptance. For more information please read the Privacy Policy of jariusbondoc.com.

 

6.4 jariusbondoc.com may contact you via e-mail regarding your participation in user surveys, asking for feedback on the Website and existing or prospective products and services. This information will be used to improve our Website and better understand our users, and any information we obtain in such surveys will not be shared with third parties, except in aggregate form.

 

  1. TERMINATION

 

 

7.1 jariusbondoc.com may, in its sole discretion, terminate or suspend your access to all or part of the Service for any reason, including, without limitation, breach or assignment of this Agreement.

 

  1. MISCELLANEOUS

 

8.1 This Agreement has been made in and shall be construed and enforced in accordance with the Republic of the Philippines law. Any action to enforce this agreement shall be brought in the courts located in Manila, Philippines.

 

8.2 Notwithstanding any of the foregoing, nothing in this Terms of Service will serve to preempt the promises made in jariusbondoc.com Privacy Policy.

 

8.3 Correspondence should be sent to jariusbondoconline.com.

 

8.4 You agree to report any copyright violations of the Terms of Service to jariusbondoc.com as soon as you become aware of them. In the event you have a claim of copyright infringement with respect to material that is contained in the jariusbondoc.com service, please notify jariusbondoconline.com. This Terms of Service was last updated on November 7, 2020.