Marami sa atin nanatili sa bahay, nag-pandemic self-isolation nitong nakaraang 20 buwan. Malimit tahimik lang, tinititigan kung anu-ano sa silid. Nakabisa na natin bawat mantsa sa kisame, sira sa pader at biyak sa sahig. Nasanay na tayo sa ‘yon at ‘yon ang sinusuot na shorts, palda, kamiseta o duster pambahay. Para tayong “buhay mongha”.
Ang “mongha” ay halaw sa salitang Greek para sa “mag-isa”. At ‘yon ang ginagawa ng mga sinaunang mongha – nabubuhay at nagtatrabaho sa liblib na monasteryo, walang labasan; pare-pareho ang suot; de-oras ang mga kilos, gawain, dasal, kain, dasal pa muli, at tulog.
Nakababagot ang buhay nila, bangon ng 6:00 a.m. hanggang tapos ng trabaho sa 7:00 p.m. Nagkakainisan sa maliliit na mali at ugali – pati anghit, utot, hilik – ng isa’t isa. Kaya para walang gulo, gumawa sila ng mga alituntunin. Mala-libro ang dami ng atas na sinulat ni St. Benedict nu’ng 6th century tungkol sa wastong pakikitungo sa mga kasamahan sa trabaho; ginagamit ang ilan du’n sa modernong buhay-opisina. Isa ru’n: bawal mang-abala habang kumakain.