Mula sa bank robbery ay leksiyon sa negosyo
SA simula ng pelikulang “Deliverance”, nagkasayahan, nagsayawan ang mga estrangherong taga-lungsod at taga-bundok nang mag-duet si Burt Reynolds sa gitara at ang batang hillbilly sa banjo. Malagim ang mga sumunod na eksena. Isang henerasyon ng manonood ng sine ay sa tabing-dagat na lang nagbakasyon. At lalong naigiit na ang banjo ay instrumento ng mga Amerikanong puti. Kesyo tinutugtog ito sa square dance ng cowboys sa saliw na “Swing your Partners, Skip to my Lou.”
Pinatunayan itong mali sa bagong aklat, “Well of Souls” ni Kristina Gaddy. Sinaliksik niya ang kasaysayan ng banjo batay sa mga
liham, talambuhay at paintings. Lumalabas na nagmula ito sa Africa. Tawid-dagat Atlantic, may natagpuang sinaunang “ur-banjo”, gawa sa tuyong kalabasang binalot ng balat ng hayop at kinabitan ng kuwerdas. Instrumento ito ng Africans na dinala sa America bilang alipin. Sinasaliwan ng banjo ang Negro spirituals at palundag-lundag na sayaw.
Mula sa bank robbery ay leksiyon sa negosyo
Muling inangkin ng mga musikerong African-American ang banjo. Nanalo ng Grammy kamakailan ang bandang banjo na Carolina Chocolate Drops ni Rhiannon Giddens. Maraming ibang sumusunod.
Sinasabing nagmula ang gitara sa Spain nu’ng simula ng 16th century. Instrumentong pangharana at koro. Pinerpekto ni Antonio Torres ang modernong 6-string acoustic guitar makaraan ang 300 taon.
Sumibol ang ukulele sa Hawaii nu’ng 18th century. Dala umano ng mga mandaragat na Portuguese. Pinaliit ito ng Hawaiians, 4-string lang.
Nauna umano sa gitara ang violin, viola at cello. Imbento raw sa Italy. Nasa paintings ni Gaudenzio Ferrari nu’ng 1530s. Ang hirap tugtugin ng violin: iniipit sa balikat at baba, tinitipa ang fiddle at hinahagod ng bow na gawa sa buntot-kabayo.
Ang sarap pakinggan ang sabay-sabay na tugtog ng banjo, gitara, upright bass, ukulele, violin, viola, cello Beethoven man o Beatles.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).