(1) SINONG nagtayo o disenyo ng tirahan ko?
Lisensiyadong inhinyero o arkitekto ba? Hindi malinaw o alam.
(2) Gaano katanda ang tirahan ko? Tinayo makalipas ang 1992. Bago mag-1992. Hindi malinaw o alam.
(3) Nasira na ba ito ng lindol o ibang sakuna? Hindi/Oo pero inayos. Oo, hindi inayos. Hindi malinaw o alam.
(4) Ano ang hugis ng tirahan? Regular (symmetrical, kuwadrado, box-type). Irregular/kumplikado. Hindi malinaw o alam.
(5) Nilakihan/hinabaan ba ang tirahan? Hindi/Oo sa ilalim ng inhinyero/arkitekto. Oo, kami-kami lang. Hindi malinaw o alam.
(6) Ang external walls ba ay concrete hollow blocks na 6 in./150 mm? Oo. Hindi, manipis pa. Hindi malinaw o alam.
(7) Standard 10 mm ba ang steel bars sa pader? Oo. Hindi, konti at manipis sa 10 mm. Hindi malinaw o alam.
(8) May pader bang walang suporta na 3 metro lapad? Wala, lahat nang walang suporta ay maikli sa 3 metro. Oo, isa o mahigit ang walang suporta na 3 metro. Hindi malinaw o alam.
(9) Anong gawa ng kabalyete (gable)? Magaang materyales, nakaangkla sa CHB, walang gable walls. Hindi nakaangklang CHBs, bricks, bato. Hindi malinaw o alam.
(10) Ano ang pundasyon? Reinforced concrete. Bato, unreinforced concrete. Hindi malinaw o alam.
(11) Ano’ng lupa sa ilalim? Matigas, bato, matatag. Malambot, maputik, reclaimed. Hindi malinaw o alam.
(12) Ano’ng pangkalahatang kondisyon ng tirahan? Mabuti. Masama. Hindi malinaw o alam.
Score: 1 point sa bawat unang sagot; 0 sa pangalawa o pangatlo. Sumahin: 11-12, bagamat ligtas sa ngayon, kumunsulta ng eksperto. 8-10, kailangang patatagin, kumunsulta. 0-7, nakababahala, kumunsulta agad.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).