Mula sa bank robbery ay leksiyon sa negosyo
MAY mga tao na sisiraan tayo, o aangkinin ang mga ginawa natin. May mga tutuntong sa atin para magpasikat, o tatraydurin tayo. Huwag tayong tumulad sa lebel nila. Sa halip, tumaas tayo nang tuwid. Tularan ang pagtrato ng agila sa uwak, payo ng website na Life Inspiration:
Ang tanging ibon na nangangahas tumuka sa agila ay ang uwak. Sumasakay ang uwak sa likod ng agila at tumutuka sa leeg. Pero hindi kumikibo ang agila o inaaway ang uwak. Hindi niya pinag-aaksayahan ng panahon o enerhiya ang uwak. Ibinubuka lang ng agila ang mga pakpak at lumilipad nang mataas sa kalawakan. Mas matayog ang lipad ng agila, mas hirap huminga ang uwak – hanggang bumagsak na lang ang uwak sa kawalan ng oxygen.
Hindi mo kailangang lumaban sa lahat ng paghamon. Hindi kailangang patulan lahat ng pag-aalipusta o kritisismo. Itaas ang iyong mga pamantayan; malalaglag sila. Huwag pagsayangan ng oras ang mga uwak. Dalhin mo lang sila sa tayog mo at maglalaho sila.
Mula sa bank robbery ay leksiyon sa negosyo
Madaling makipagsagutan sa mga umiinis sa atin. Madaling umisip ng pang-insulto sa kanila. Madaling makipag-away. Pero bakit pa? Pumulot din tayo ng aral sa Bibliya:
- “Nguni’t silang nangaghihintay sa Panginoon ay mangagbabagong lakas; sila’y paiilanglang na may mga pakpak na parang mga agila; sila’y magsisitakbo, at hindi mangapapagod; sila’y magsisilakad, at hindi manganghihina.” (Isaias 40:31)
- “Ako’y bumalik, at nakita ko sa ilalim ng araw, na ang pag-uunahan ay hindi sa mga matulin, ni ang pagbabaka man ay sa mga malakas, ni sa mga pantas man ang tinapay, ni ang mga kayamanan man ay sa mga taong nag-uunawa, ni ang kaloob man ay sa taong matalino; kundi ang panahon at kapalaran ay mangyayari sa kanilang lahat.” (Manunulat 9:11)
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).