Mula sa bank robbery ay leksiyon sa negosyo
SINGKWENTA porsiyento lang ang efficacy ng bakuna kontra COVID-19 ng Sinovac. Pero ang produktong ‘yon ng China ang ino-order ng opisyales natin. Dalawampu’t-limang milyong turok ang kinokontrata nila.
Katanggap-tanggap sa kanila ang 50% efficacy. Kesyo raw World Health Oganization mismo ang nagtakda ng gan’ung pamantayan. At kesyo raw maari humigit sa 50% effectiveness ang Sinovac sa aktuwal na pagbabakuna, depende sa sektor na gagamit: halimbawa, medical frontlines o matatanda o mga unipormado.
Palusot lang ang mga ‘yon. Unang-una, ang pamantayan ng WHO na 50% efficacy ay noon pang Abril. Wala pang pharmaceutical company na nagki-clinical trial noon, kaya desperado ang lahat. Pero iginiit din ng WHO noon pa na mas mabuti kung pumalo nang 70% efficacy ang tests.
Mula sa bank robbery ay leksiyon sa negosyo
Nitong Nobyembre lumabas ang mas magagandang resulta. Ang efficacy ng bakuna ng Pfizer ay 95%, sa Moderna 94%, at sa AstraZeneca 70%. Higit kaysa resulta ng Sinovac. Kaya bakit ‘yun pang made-in-China ang binibili? Nagte-testing pa ng 95 na bakuna ang mundo.
Ang efficacy ay ang tsansa na tumalab ang bakuna sa populasyon. Kung mahigit 90% ang bakuna, ibig sabihi’y tatalab ito sa siyam sa bawat sampung tuturukan. Hindi tiyak kung ano ang magiging epekto sa isa sa bawat sampu: maaring walang talab, o magka-adverse effects pa nga.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).
