‘Plandemya ‘sheeple’ ‘jontis’ atbp. Balbal
Sa pag-isang taon ng COVID-19 sa mundo ngayong Disyembre, lalong laganap ang hinalang sinadya ito. Ayon sa conspiracy theory, binuo ang coronavirus sa laboratoryo sa Wuhan para ikalat sa America na kalaban ng China. Aksidenteng nahawa lang ang isang researcher at kumalat ang sakit sa Wuhan. Dahil umano hindi na ito makaya puksain, hinayaan na lang umalis ng bansa ang 5 milyong Wuhanese at manghawa sa mundo. Pagkikitaan na lang daw ng China ang gamot at bakuna nito.
“Plandemic” — sa Tagalog “plandemya” — ang tawag ng conspiracy theorists sa planadong pandemya na ito. At nagbunsod ito ng iba pang mga balbal (slang) sa iba’t ibang bansa.
Sa America, anang mga suspetsoso, nagkutsaba ang malalaking kumpanya ng gamot sa pananakot sa mundo. Pakay daw nito pilitin magpabakuna lahat, kundi’y bawal pumasok sa opisina, restoran, simbahan, sinehan, atbp. Titiba ang big pharma dahil parang maaamong tupa (sheep) bibili ng bakuna ang madla (people). “Sheeple” ang bansag nila sa mga umano’y uto-uto ng plandemya, ulat ng “1843” magazine.
‘Plandemya ‘sheeple’ ‘jontis’ atbp. Balbal
Pati mga Ruso at Hapon may kinataga para sa sarili nilang conspiracy theories. Sa Russia uso ang tawag nila sa mga tila dobol (lookalike) ni Vladimir Putin. Pabata nang pabata ang nagiging hitsura ng President nila; halatang may humahalili lang sa pagharap sa publiko. Natatakot umano siya makihalubilo’t maimpekta, kaya puro dobol lang.
Sa Japan isinisisi ng mga kalaban kay Prime Minister Abe Shinzo ang C-19. Anang mga “Abegā”, kesyo nakipagsabwatan siya sa China na ikalat ang sakit at pagkitaan ang gamot. Kaso, nahawa daw siya kaya nagbitiw.
Sa Pilipinas “churva” (fake news) lang ang tingin sa conspiracy theories. Imbento lang lahat sa mga “chikahan”. Importante sa atin, patuloy mamigay ng “ayuda” si “yorme”, para meron tayo pambili ng “chibog”. “Petmalu” kasi itong indultong C-19. Nakaka-“praning” na nga ang lockdown, tapos na-“jontis” (buntis) pa si “momshi” (nanay, misis).
‘Plandemya ‘sheeple’ ‘jontis’ atbp. Balbal
Got a comment? Or just want to check out what people are saying about this article, then…
More related articles & posts (scroll down):