P15-B para sa DepEd modules: pork barrel ng isa lang
NU’NG biglang itinigil ni Speaker Cayetano ang debate sa 2021 budget, iniatas niya sa “munting komite” lang ang mga amyenda dito. Sa komite isusumite ng mga kongresista ang “insertions for later release”. Ano man ang itawag nila ru’n, mga ilegal na pork barrels ‘yun. Mga eksperto sa pork barrel ang mga itinalaga ni Cayetano sa munting komite. “Kumita komite”, umiiling na nagwika si minority Rep. Lito Atienza, Buhay party.
Department of Public Works and Highways ang unang gatasan ng mga “honorables”. Tinatapyasan kaliwa’t kanan ang pondong panggawa ng kalye’t tulay. Inililipat sa kani-kanilang distrito. Nag-iimbento sila ng “flood control projects”. Bilyun-bilyong piso ang kunwari’y nagpapa-”dredge” ng ilog – pero walang totoong sukat ng lalim, lawak o haba. Kinakaltasan din ang pondo ng ibang departamento para sa paboritong proyekto ng mga kongresista. Diretso sa bulsa ang pork barrel.
P15-B para sa DepEd modules: pork barrel ng isa lang
Hindi lahat natutuwa. Binisto ng ilang kalaban ni Cayetano ang pork barrels sa 2021 budget. Para sa dalawang distrito ng Taguig-Pateros nina Cayetano at asawang Rep. Lani Cayetano ay P11.11 bilyon mula sa DPWH, ani Rep. Arnolfo Teves, Negros Oriental. Kay Deputy Speaker L-Ray Villafuerte ng CamSur na kakampi ni Cayetano ay P4.98 bilyon mula DPWH sa 2021, dagdag ni Rep. Jose Singson, Ilocos Sur; kung isama ang P6.76 bilyon nitong 2020 at P1.43 bilyon nu’ng 2019, kabuuang P13.17 bilyon na ang bumulwak – pero maralita pa rin ang CamSur. Bukod pa ang pork barrels ng bawat isa sa mayorya sa Kamara.
Ikumpara ito sa hiniling ni Education Sec. Leonor Briones sa Kamara na P30 bilyon. Para sana ‘yon sa printed modules ng halos 22 milyong estudyante sa public schools. Printed lessons ang ipapamigay sa bawat bata tuwing linggo bilang pamalit sa face-to-face classes. Papel, tinta, at copying machines ang gagamitin.
Pinagkaitan ang DepEd. Ibinigay lang ay P15 bilyon, at pahabol na P4 bilyon pang-contingencies. Pork barrel ng isang distrito lang?
P15-B para sa DepEd modules: pork barrel ng isa lang
Got a comment? Or just want to check out what people are saying about this article, then…
More related articles & posts (scroll down):

