Napipintong pagtutuos sa Beijing dahil sa COVID
Magsisimula na magbakuna ang mundo kontra COVID-19. Inaasahang huhupa na ang pandemya. Ito ang hinihintay na panahon ng milyon-milyong namatayan ng kaanak, nagka-permanenteng diperensiya sa katawan dulot ng impeksiyon, at nasiraan ng hanapbuhay.
Idedemanda ang China sa kani-kanilang korte at sa pangmundong husgado. Para sa danyos, anim na rason ang ikakaso nila sa China:
- Pagpanatili ng wild animal market sa Wuhan. Mahigit 15 taon nang sinasabihan ang China na itigil ang $74 bilyong taunang kalakal sa wild animals. Pero patuloy nagbebenta sa palengke ng paniki, musang, pangolin, atbp. Sa gan’ung palengke sa Wuhan nagmula ang COVID-19, ulat ng mga pribadong doktor sa China na unang nakatuklas nito.
- Ipinakulong ang mga doktor na ‘yon. Umano’y nagkalat sila ng tsismis at nagudyok ng panik. Sinikil ang impormasyon tungkol sa sakit.
Napipintong pagtutuos sa Beijing dahil sa COVID
- Sa paglihim sa sakit, hinayaang lisanin ng limang milyong taga-Wuhan ang lungsod. Maraming impektado ang nag-abroad. (Wuhanese ang unang dalawang kasong itinala sa Pilipinas; isa sa kanila’y namatay.)
- Patuloy ang propaganda ng Beijing miski kumalat na ang sakit sa mundo. Kinasangkapan si World Health Organization director general Tedros Adhanom Ghebreyesus na mag-anunsiyo na hindi kailangan magsara ng borders ang mga bansa kontra Wuhanese. Kesyo raw tama lahat ng kilos ng Beijing kontra coronavirus. Binago ang tawag na “China virus” at “Wuhan virus”; ginawang “COVID-19”. Tuta umano ng Beijing si Tedros kaya tinulungan mahalal bilang WHO chief.
- Sinaktan ng China ang Australia dahil malayang nag-imbestiga ng sanhi ng virus sa isang lab sa Wuhan. Tinigil ng Beijing ang pagbili ng karne at iba pang produkto ng Australia. Nagbulaan na U.S. Army ang nagtanim ng virus sa Wuhan, at dagdag pang panggulo sa isyu.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).
Napipintong pagtutuos sa Beijing dahil sa COVID
Got a comment? Or just want to check out what people are saying about this article, then…
More related articles & posts (scroll down):

