Milagro ng misteryosong pari
Nagmamaneho si Katie Lentz, 19, sa Missouri freeway isang hapon nung 2013 nang bundulin siya ng lasing na trak. Mabilis dumating ang mga bumbero mula sa dalawang bayan, ang sheriff at deputies, at mga nurse at piloto ng rescue chopper. Pero hindi nila mailabas si Katie mula sa wasak na kotse. Naipit ang binti niya sa mga pumilipit na bakal, at mahihinang hindi akma ang mga kagamitang pangsalba.
Nauubusan na ang rescuers ng plano nang humiling si luhaang Katie na magdasal muna lahat sila. Mula kung saan may lumitaw na lalaki at lumapit sa car wreck. Mukhang pari siya, batay sa kuwelyo. Binendisyunan niya ng langis sa noo si Katie. Marahan niya ito sinabihan na gagana na ang mga kagamitan. Tapos umalis ang lalaki. Napawi ang sakit ng binti, binulong ni Katie sa rescuers. Nabunot siya mula sa kotse at agad ilinipad sa ospital sa lungsod.
Milagro ng misteryosong pari
“Milagro!” anang rescuers. Pero hindi nila mahanap ang lalaki. Sa 70 mga retrato ng aksidente wala ni isang nakunan na imahe nito. Nabalita nang todo sa TV, radyo at diyaryo ang pangyayari. Sino ang misteryosong pari na nagsalba umano kay Katie?
Makalipas ang ilang araw lumitaw si Fr. Patrick Dowling, paring Katoliko, at nagsabi na siya ang lalaking ‘yon. Walang milagrong naganap, aniya. Pero hinangaan daw niya ang sigasig at galing ng rescuers, at pagka-kalma ni Katie miski lubhang masakit ang nabaling binti. Taimtim daw ito nagdasal habang binebenditahan niya.
Hindi niya alam kung bakit wala siya sa mga retrato ng rescue. Pumarada lang daw siya sa likod ng isang malaking sasakyan para alamin kung may maitutulong siya. Nang napansin na nagdadasal ang rescuers, nagpaalam siyang lumapit para benditahan ang biktima. Tapos nag-rosaryo siya sa isang sulok. Paglipad ng chopper, umalis na siya.
Nakilala siya ni Katie sa TV news. Hiniling na bisitahin siya sa ospital. Nang dumating si Fr. Dowling, ika-20 kaarawan ni Katie.
Milagro ng misteryosong pari
Got a comment? Or just want to check out what people are saying about this article, then…
More related articles & posts (scroll down):