Sina Ferdinand at Imelda Marcos at cronies ang pinaka-malala
(Katuluyan mula kahapon)
Pagtatakip sa masama kung sabihin na ang mayaman ay hindi nagnanakaw. Nilista ko kahapon ang walong bilyonaryong gangsters at isang investment adviser na tumangay ng maraming pera’t buhay.
Sa Pilipinas naglipana rin ang mayayamang nagnanakaw. Sa ekonomiya sila ang oligarchs. Iilang pamilya sila na kumokontrol sa negosyo. Hawak nila ang mga utilities: tubig, kuryente, transportasyon, telecoms. May-ari ng mga bangko, lupa, retail, pabahay. Ang masama ay nandadaya sa buwis at nanunuhol para maka-kontrata sa gobyerno. Maraming aklat na ang nagsiwalat sa deka-dekadang pagka-ganid nila.
Sa politika sila ang dynasties. Iilang pamilya din na kumokontrol sa pambansa at lokal na puwesto — na labag sa Konstitusyon. Halinhinan silang mag-asawa, magkapatid, magulang at anak. Hinahanap-buhay ang serbisyo publiko. Kumukumisyon sa mga kontrata ng gobyerno.
Sina Ferdinand at Imelda Marcos at cronies ang pinaka-malala
Nu’ng 2013 nalantad ang kutsabahan ng oligarchs at political dynasts sa pandarambong ng bilyon-bilyon-pisong pork barrels. Walong senador, mahigit 150 kongresista, at dose-dosenang lokal na opisyales ang nasa listahan ng fixers ng mga pekeng proyekto.
Sina Ferdinand at Imelda Marcos at cronies ang pinaka-malala sa mga oligarchs at political dynasts. Niluklok ang sarili panghabambuhay sa puwesto. Gumamit ng alyas na William Saunders, Jane Ryan, atbp. sa pagdeposito ng bilyong dolyares sa Swiss banks, at sa pagkamkam ng mga kumpanya, gusali, lupa, mansiyon, artworks, alahas, at relos.
Dahil kina Marcos, Imelda at cronies, dumapa ang ekonomiya. Dahil sa oligarchs at dynasts, hindi makabangon ang ekonomiya.
* * *
Sampung hindi mabibili ng pera: (1) Kabutihang Asal, (2) Moralidad, (3) Galang, (4) Pagkatao, (5) Sentido komon, (6) Tiwala, (7) Pasensiya, (8) Pagkaginoo, (9) Integridad, (10) Pagmamahal.
Sina Ferdinand at Imelda Marcos at cronies ang pinaka-malala
Got a comment? Or just want to check out what people are saying about this article, then…
More related articles & posts (scroll down):