Ligawan sex at hiwalayan virtual dahil pandemya
Sa Cordillera hanggang dekada-1940 ang ligawan ay may trial marriage. Sa iisang kubo, o “olog”, natutulog lahat ng dalagita matapos ang mga gawaing bahay. Sa ibang dorm o “atô”, ang mga binatilyo. Ine-enganyo sila ng matandang babaeng lider ng tribo na magligawan nang patulâ, at kapag nagka-igi ay magsiping sa gabi. Walang obligasyon, maliban kung mabuntis, dapat ikasal sila at magtayo ng sariling kubo. Inuulat ng matanda lahat sa mga magulang. Tinitiyak na bago mapag-iwanan ng panahon ay maipagpares para makapangasawa lahat sila.
Sa mundo ngayong pandemya nagiging virtual ang ligawan, sex, pati breakup. Obligado ba ito para safe distancing at quarantine? Ewan….
Sa Japan dati nang malaking negosyo ang pagpapares, o “amiai”. Sa bar hinihikayat ng matchmaker na maglandian ang sinet-up ng date. Ngayong safe distancing, drive-through na, o “doraibusurū o miai”, ulat ng 1843 Magazine. Sa parking lot ng wedding chapel darating ang dalaga at binata sa kanya-kanyang kotse para magkakitaan. Ano’ng kasunod?
Ligawan sex at hiwalayan virtual dahil pandemya
Online “pandating” ang sine o kain ng magkalayong digahan, dagdag ng 1843. Para sabay ang panonood nila ng TV movie, ginagamit ang Netflix Party app, o kaya sabay ang pindot ng “play”. Hiwalay na kakain at iinom sa saliw ng video-concerts ni pianist Brian Culbertson.
Kung naging romantiko sila, hindi lang lumang “sexting” o palitan ng mapang-akit na texts ang dadagsa. “Coronalingus” na, o padala ng obra-maestrang megapixels ng mga ari nila. Mainam dito ang Snapchat messaging app: kusang nabubura pagkabasa. Walang eskandalo matapos ang magdamagang virtual sex, anang 1843.
“Zumping” ang digital na pag-“dump” o kalas sa syota sa pamamagitan ng Zoom. Iimbitahan ang partner na mag-join sa video chat. Pagpindot ng asul na kuwadrado sa screen, tutunog ang matinis na boses ng robot nang “The End”. “Cuomosexual” ang deboto, mapa-babae o lalaki, ni gwapo’t machong New York Gov. Andrew Cuomo.
Ligawan sex at hiwalayan virtual dahil pandemya
Got a comment? Or just want to check out what people are saying about this article, then…
More related articles & posts (scroll down):