Lumalaganap ang katotohanan sa pagpatay sa mensahero
Trending ito online; papuri sa mga umakda ng orihinal na Inggles:
“Ibig ko na ngayon din ang ibigay mo sa akin na nasa isang pinggan ang ulo ni Juan Bautista.” Marco 16:25
Masisikil ba ang katotohanan sa pagpatay sa mensahero? Turo ng kasaysayan: hindi. Lumaganap ang Kristiyanismo miski matapos ikrus si Hesus. Mas nangahas ang mga Pilipino nang patayin si Ninoy Aquino. Mas umigting ang Himagsikan nang barilin si Jose Rizal. Hindi na natuto ang mga tirano, diktador, at iba pang malulupit na lider. Nabubuhay ang katotohanan kapag pinatahimik ang mensahero. Mas lumalakas pa ang mensahe. ‘Yan ang panawagan sa mga sumasampalataya. Huwag matakot isiwalat ang katotohanan, sapagkat ito ang magpapalaya sa atin. Lahat tayo mamamatay pero meron munang dapat tuparin na misyon.
* * *
Lumalaganap ang katotohanan sa pagpatay sa mensahero
Samantala, anim na maiikling kuwento:
Nagkasundo lahat ng mag-kabaryo na magdasal para umulan. Sa takdang araw ng pagdasal, nagtipon ang lahat, pero isang bata lang ang dumalo na may dalang payong. ‘Yan ay sampalataya.
Kapag iitsa mo ang musmos sa ere, tawa lang ito nang tawa, kasi alam niya na sasaluhin mo siya. ‘Yan ay tiwala.
Sa gabi nahihiga tayong walang katiyakan kung babangon pa sa umaga, pero sine-set natin ang alarm para magising. ‘Yan ay pag-asa.
Malalaki ang plano natin sa buhay, miski hindi natin alam ang kinabukasan. ‘Yan ay kabuoan ng loob.
Batid natin ang hirap ng mundo, pero nag-aasawa tayo at nag-aanak. ‘Yan ay pag-ibig.
Nakapaskel sa kamiseta ng uugud-ugod: “Hindi ako edad-80; ako’y sweet sixteen na may 64 taong karanasan.” Yan ay pananaw.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM)
Lumalaganap ang katotohanan sa pagpatay sa mensahero
Got a comment? Or just want to check out what people are saying about this article, then…
More related articles & posts (scroll down):