Pinagpala tayo para isilang tayo
Para isilang tayo, kinailangan ng 2 magulang, 4 na lolo’t lola, 8 lolo’t lola sa tuhod, 16 pa sa 2nd degree, 32 sa 3rd degree, 64 sa 4th, 128 sa 5th, 256 sa 6th, 512 sa 7th, 1,024 sa 8th, 2,048 sa 9th degree ng lolo’t lola.
Ipinanganak tayo mula sa labindalawang henerasyon, 4,096 na ninuno, sa nakalipas na 400 na taon.
Isipin natin: gaanong hirap, pakikibaka, sakuna, lungkot — ligaya, pag-ibig, pag-asa, tagumpay — para tayo magkabuhay. Pinagpala tayo.
Mahigit 7 bilyon ang tao ngayon. Para madaling magagap ang statistics, ipagpalagay na 100 tayo. Sa 100:
- 11 ay nasa Europe, 5 ay nasa North America, 9 sa South America, 15 sa Africa, 60 sa Asia;
- 49 ang nakatira sa nayon, 51 sa lungsod;
- 12 ang nagsasalita ng Chinese, 5 ng Spanish, 5 ng English, 3 ng Arabic, 3 ng Hindi, 3 ng Bengali, 3 ng Portuguese, 2 ng Russian, 2 ng Japanese, at 62 ng kani-kanilang wika;
Pinagpala tayo para isilang tayo
- 77 ay may sariling bahay, 23 ay walang matirhan;
- 21 ay overweight, 63 nakakakain ng sapat, 15 kulang sa timbang, at 1 ay hindi na aabot sa susunod na kainan;
- Nabubuhay ang 48 sa $2 (P100) kada araw; 87 ay walang malinis na inumin, 13 nakakainom pero madumi ang pinanggalingan;
- 75 lang ang may mobile phone; 30 lang may internet;
- 7 ang may college degree, 93 ang di nakatuntong ng kolehiyo;
- 83 ay nakakabasa, 17 ay mangmang;
- 33 ay Christian, 22 Muslim, 14 Hindu, 7 Buddhists, 12 ibang relihiyon, 12 walang relihiyon;
- 26 ay di aabot nang 14 taon, 66 mamamatay sa pagitan ng 15-64 taon, 8 ay lalampas nang 65.
(Paghanga sa sumaliksik at umakda nito sa orihinal na Inggles. Pinasimple niya ang mga komplikadong numero at estadistika.)
Pinagpala tayo para isilang tayo
Got a comment? Or just want to check out what people are saying about this article, then…
More related articles & posts (scroll down):

