Mayroong mga mayamang magnanakaw din
Ignorante ang nagsasabi na hindi nagnanakaw ang mayaman. Numero unong ehemplo ng kriminal na patuloy nagnakaw si Pablo Escobar. Pitong taon siya ibinilang ng Forbes magazine sa pinaka-mayayaman sa mundo. Nu’ng 1989 ang personal na yaman niya ay $25 bilyon. Lalahok sana sa pulitika, nangako siya na babayaran ang $10-bilyong utang ng bansa. Yumaman siya sa smuggling ng cocaine sa America.
Pito pang gangsters ang yumaman at patuloy na nagnakaw. Si Al Capone ng Chicago Mafia ay humakot nu’ng 1929 ng $1.3 bilyon (sa pera ngayon) mula sa ilegal na alak, sugal, atbp. bisyo; 600 ang tauhan niya. Si Frank Lucas $1 milyon kada araw ang kinita sa pagpuslit ng heroin sa America sa loob ng mga kabaong mula Vietnam. Nagnet ng $2.5 bilyon si Griselda “Black Widow” Blanco bilang hepe ng Medellin Cartel ni Escobar. Matapos patayin ang gang boss niya, naging ikalawang pinaka-mayamang drug lord si Amado Carillo Fuentes ng Juarez Cartel sa Mexico. Binansagan siyang “Hari ng Langit” dahil sa laki ng koleksiyon niya ng eroplano, kabilang ang 22 Boeing-727 na pampuslit ng cocaine sa America.
Mayroong mga mayamang magnanakaw din
Tinayang $6.7 bilyon ang yaman ni Dawood Ibrahim, swindler na nagpondo ng Mumbai terror attacks nu’ng 1993. Si economics graduate Semion Mogilevich ang pinaka-malalang Russia Mafia boss. Lahat ng ilegal pinasok: droga, murder, putahan, armas, counterfeiting, money laundering. Halaga niya: $10 bilyon. Kinontrol ni Jose Figueroa Agosto ang pasok ng droga sa Puerto Rico, tungong America, mula Dominican Republic. Umabot sa $100 milyon ang sinuhol niya para makalabas sa preso sa pekeng release, matapos masentensiyahan ng 200 taong bilanggo. Bahagi ang panunuhol sa business model nilang lahat.
Natiklo nu’ng 2008 ang pinaka-malaking Ponzi o pyramiding scam sa mundo at pinaka-malalang financial crime sa America. Pinatakbo ito ng mismong chairman Bernie Madoff ng NASDAQ stock market. Nasa deposit niya ang $64.8 bilyon mula sa 4,800 kliyente niya. (Itutuloy bukas)
Mayroong mga mayamang magnanakaw din
Got a comment? Or just want to check out what people are saying about this article, then…
More related articles & posts (scroll down):