Isang maling kalabit lang sisiklab ang digmaan
Nu’ng Oktubre inatasan ni Chinese President Xi Jinping ang mga kawal nila na ihanda ang isip at sigla sa digmaan. Umalerto, utos niya sa People’s Liberation Army. Maging “matapat sa, busilak at maasahan ng” Communist Party of China, na direktang nagpapatakbo ng PLA.
Hindi na kinailangan ni Xi tukuyin kung sino ang kalaban. Naggigirian sila ng America sa South China Sea, East China Sea, at Taiwan Strait. Ito’y dahil inaangkin ng China ang tatlong dagat. Nais ng China na humingi muna sa kanya ng pahintulot bago dumaan doon ang mga barko at eroplanong pang-komersiyo. Sa pagkontra, kasama ng America ang Britain, France, Canada, Australia, Japan, at India. Pati mga kaalyado nila — Brunei, Indonesia, Malaysia, Philippines at Vietnam — ay niyuyurakan ng China. At balak ng China na sakupin ang “probinsiyang” Taiwan. Deadline nila magawa ito sa pagitan ng 2019 (ika-70 anibersaryo ng pag-agaw ng mga komunista sa poder) at 2021 (ika-100 taon ng pagtatag sa Chinese Communist Party).
Isang maling kalabit lang sisiklab ang digmaan
Nagpapasiklab ang PLA na may 2.3 milyong sundalo. Tinutuya ang naval patrols ng America at mga kaalyado. Tatlong beses na mula 2018 pininahan ng Chinese fighters at warships ang mga patrolya ng America, Britain at India sa rehiyon. Ineensayo na ng China ang paglusob sa Taiwan. Pinalubog ng Chinese militia trawlers ang mga bangkang pangisda ng Pilipinas at Vietnam. Tinutukan na ng missiles ang navy natin. Isang maling kalabit lang sisiklab ang digmaan.
Isang hibang lang ang magnanais ng giyera na papatay sa daan-milyon katao. Inaambisyon ni Xi maging kasing-sikat ni Mao Zedong na isa sa nagtatag ng CCP at nagluklok sa mga komunista. Ipinasingit na niya ang Xi Jinping Thought, bilang dagdag sa Mao Zedong Thought, sa Konstituyon nila. Lango sa kapangyarihan ang ambisyosong Xi.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).
Isang maling kalabit lang sisiklab ang digmaan
Got a comment? Or just want to check out what people are saying about this article, then…
More related articles & posts (scroll down):