Black Death lumipol sa 75m-200m katao
Black Death, ang bubonic plague ng 14th century, ang pinaka-malalang pandemic na tumama sa Europe, Asia, at Africa. Tinatayang 75 -200 milyon ang nasawi nu’ng 1347-1351. Isa sa tatlong Europeans ang todas.
Dumating ang Black Death sa Europe nang dumaong ang 12 barko mula Black Sea sa puerto ng Messina, Sicily. Kinilabutan ang mga tao sa pier sa namalas nila. Karamihan sa mga tripulante ay patay. Ang konting natitira’y naghihingalo, sumusuka ng dugo, ang katawan ay puno ng pigsang itim na nagnanana.
Huli na nang magpasya ang opisyales na paalisin ang “mga barko ng kamatayan”. Nakasampa na ang mga nag-aabang na mangangalakal para magdiskarga. Agad sila nahawa. Mabilis kumalat ang sakit sa lungsod. Sa loob ng ilang linggo umabot ang salot sa Britain at North Africa. Bago nu’n may balita nang lumalaganap ang sakit sa Central Asia, Mongolia, China, India, at Persia. Apat na taon ang plague.
Black Death lumipol sa 75m-200m katao
Ayon sa saliksik nagsimula ang sakit 3,000 taon bago ang plague. Lumundag ang germs mula sa daga, at hinawa ang tao. Bukod sa pagpasa ng germs ng tao sa tao, ikinalat din ito ng kuto. Nabatid nu’ng 19th century na inaatake nito ang lymphatic nerves, baga at dugo.
Inulat ni Giovanni Boccaccio ang mga nasaksihan. Nagsisimula ang sakit na bukol sa singit o kilikili, sinlaki ng itlog o mansanas. Kasunod ang lagnat, panginginig, suka, pagtatae, at hapdi ng kalamnan. Hindi nagtatagal… kamatayan. Pati damit ng maysakit ay nakaka-kontamina. Ang mga natutulog nang malusog ay hindi na gumigising. Tinanggihan ng mga doktor ang maysakit. Walang gamot na mabisa. Iniwan ng kaanak ang mga impektado. Linisan ng tao ang mga lungsod, pero sinundan sila ng peste sa kanayunan. Pati mga alagaing hayop nangamatay. Naubos ang tupa; kinapos ang tao ng lana na pangginaw.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).
Black Death lumipol sa 75m-200m katao
Got a comment? Or just want to check out what people are saying about this article, then…
More related articles & posts (scroll down):

