Ang kuwento ng weakest link
(Isina-Tagalog ko ito noong Abril 2009. Pero nakaligtaang ipangalan sa umakda ng orihinal na Ingles, si Prof. Ernesto ‘Boogie’ C. Boydon. Taos-pusong paumanhin sa kanya. Muli itong nilalathala dahil makabuluhan pa rin ngayon.)
NOONG unang panahon napabalita sa bayan ng Lernuscus na lulusubin sila ng mga taga-malayong bayan ng Clayounne. Dahil 30 araw na lakad ang pagitan ng dalawang pook, nagpasyang maghanda ang mga taga-Lernuscus sa napipintong labanan. Nag-armas sila at nag-imbak ng pagkain at kagamitang pandigma.
Ikalawang araw, napansin ng ilang taga-Lernuscus ang isang pangkat sa hanay nila na papatay-patay sa paghahanda. Nagpulong sila kung ano ang dapat gawin. “Imbes na makatulong, magpapabigat lang ang mga hihina-hina na ‘yan sa laban natin sa mga Clayounnian,” anila. “Patayin natin silang lahat bago lumala ang problema.”
Dinakip ang mga tinuturing na pabigat lang, ihinelera sa pader, at pinagpapana hanggang lahat ay bumulagta sa lupa.
Ang kuwento ng weakest link
Nang sumunod na araw, ibang grupo naman ang nakapansin sa isa pang pangkat na weak link sa paghahanda. Nagplano ang grupo ng “paglinis” ng kanilang hanay sa pamamagitan ng pagpatay sa huli.
Bawat araw na dumaan, naabala ang paghahanda sa pagtagpas ng mga weak link sa hanay ng Lernuscus. Isang araw bago dumating ang mga kalaban, dalawang tao na lang ang natitira roon. Nagduda pa sila sa isa’t isa. Naghamunan sila na daanin ang diskusyon sa duwelo ng espada. Sa sagupaan pareho silang namatay.
Nang dumating ang mga Clayounnian, wala ni isang humadlang na taga-Lernuscus. Sarili na nila ang bayan.
Aral: Sa ano mang samahan walang perpektong kasapi. Lahat ay may kapansanan o kakulangan. Para tumatag ang samahan, dapat iangat ang isa’t isa. Pag-anibin ang lakas ng lahat. Walang may karapatang humusga kung sino ang malakas o mahina.
Ang kuwento ng weakest link
Got a comment? Or just want to check out what people are saying about this article, then…
More related articles & posts (scroll down):