2021 pambansang budget ‘tila hindi pang-pandemya’
“Parang walang pandemya.” ‘Yan ang puna nina Senators Ralph Recto at Frank Drilon sa panukalang pambansang budget sa 2021. Hiwalay na Sabado namin sila ininterbyu sa Sapol-DWIZ. Pareho silang nagtaka kung bakit ‘di akma ang budget pangontra sa COVID-19 sa taon na papasok.
Inehemplo ni Recto ang budget ng Dept. of Health. Dapat daw mas malaki ang ipondo sa 2021 para panggamot sa mas maraming maiimpekta ng coronavirus, bukod sa panggamot sa TB, cancer, dengue, diabetes, atbp. Pero kung isasama ang subsidiya sa Philhealth, mas mababa nang P50 bilyon ang sa 2021 kaysa nitong 2020. Kapiranggot lang din ang P2.5 bilyon para sa mga bakuna kontra tigdas, polio, beke, tipos, atbp. Aba’y bakuna sa C-19 pa lang ay P60 bilyon ang kailangan. Ito’y para ma-herd immunity ang 60% ng populasyon, o 60 milyong Pilipino, sa balitang halagang P1,000 kada bakuna.
2021 pambansang budget ‘tila hindi pang-pandemya’
Kapansin-pansin kay Drilon ang Dept. of Social Welfare and Development. Wala ni isang kusing na nakalaan para sa ayuda sa 2021 para sa 18 milyong pinaka-maralitang pamilya. Wala ring pampasigla sa ekonomiya para magka-hanapbuhay muli ang 20 milyong nawalan.
Nasaan ang pondo? Ito ang lihim na bulgar.
Tulad ng dati, labis-labis ang nakalaan sa Dept. of Transport at ng Dept. of Public Works and Highways. Sa DOTr ang mga mararangya na projects na wala naman kapararakan. Halimbawa ang tatlong istasyon lang ng Metro Manila subway sa isang 11-km sulok ng Quezon City para may maipagmalaking nagawa ang administrasyon sa 2022. Sisimulan gastahin ang P52 bilyon na inutang, miski may jeeps at tricycles sa ruta
Sa DPWH isiningit ang «congressional insertions». ‘Yan ang tawag ng mga kongresista sa ilegal na pork barrels nila. Mula sa kanya-kanyang bilyon-pisong laan na pork, nag-iimbento sila ng proyekto na pagkukumisyonan nang 20-50%. Pinaka-simple ang «flood control» — dredging ng mga ilog — pero di-masukat ang lalim, lapad at haba.
2021 pambansang budget ‘tila hindi pang-pandemya’
Got a comment? Or just want to check out what people are saying about this article, then…
More related articles & posts (scroll down):

